Linggo, Agosto 16, 2015

MAGKANO KA?

Sa iyong palagaymagkano ang isang oras mo sa trabaho? Kung may sapat kang kaalaman tungkol dito, narito ang iyong kahalagahan kung bakit ito ang sahod mo. Sapagkat kapag panatag ka na at patuloy na tinatanggap mo ito, makikilatis dito kung gaano ang pagpapahalaga na iniuukol mo sa iyong sarili.
   Kadalasan, ang halaga (value) na inilaan natin sa ating mga sarili ay repleksiyon ng mga bagay na ating ginagawa. Dito matutunghayan na kahit sino ay may presyo o batayan ng kalagayan sa buhay. Sa paghatol, makikilala ang isang tao sa kanyang pagdadala sa sarili; pananalita, panlasa, mga kasuotan, mga kagamitan, mga ari-arian, at mga libangan. Sa ating di-pantay na lipunan; maging publiko at pribado, salapi ang nangingibabaw. Ang pakay ng mga namumuno ay makasarili, kaya katiwalian at hindi kapakanan ng nakakarami ang sinusunod. Higit na matimbang ang mayaman kaysa mahirap. May kinikilingan na siyang nasusunod at may nasisisi na siyang pinaparusahan. Lantarang may mang-aapi at inaapi.
   Tanggap na ng marami sa atin, pera ang panghalina upang maibenta pati ang kaluluwa. Tuwing may halalan nagkalat ang mga bugaw at mga sugapa sa bilihan ng mga boto, upang manalo ang magnanakaw na pulitiko. Kahit na alam ng mga botante na pagnanakaw ang intensiyon nito ay ihahalal pa rin, para lamang magkapera at may makain. Ayon sa kanila, manalo o matalo ang pulitiko, ang kanilang buhay ay di-mababago. Huwag nating patuloy na tularan si Hudas Iskariyote na may pakana at nagkanulo kay HesuKristo, na ang katumbas na halaga lamang ay tatlumpong pirasong pilak (Mateo 27:3-5). Sapat bang halaga ito, upang si Hudas ay magsisi at magbigti sa halagang 30 pirasong pilak?
   Ang halaga na inilaan natin sa ating mga sarili ay patuloy na ibabalik sa atin sa mga araw na darating. Dahil kapag may itinanim, may aanihin. Nagbenta ng boto, tiisin ang bunga nito, kapag kurakot at panay katiwalian ang inihalal sa puwesto. Kung may halaga o mahalaga ang ating pagkatao, kailanman ay wala itong presyo at hindi matatawaran o matumbasan ng kahit sino. Kapag tama ang kapasiyahan at hindi bayaran, ito ay nasa tamang direksiyon at kaunlaran. Mapipili natin ang mga tunay na pinuno na may kusang pagmamalasakit sa kapakanan ng bayan.
Kapag alam mo ang iyong halaga, sinuman ay hindi magagawang tratuhin ka na walang saysay.

Sabado, Agosto 15, 2015

tingnan mo sayong salamin kung malinaw o malabo ang iyong paningin...




Lumabas ka sa iyong lungga at tahasang harapin ang nagpapahirap at mapangwasak na mga maling paniniwala na sinusunod mo para sa iyong sarili. Pawalan at yakaping mahigpit ang iyong malikhaing kakayahan. Kapag pinabayaan mo ito, kailanman hindi ka na matatahimik. Dahil kung walang pagbabago sa iyong kalagayan, pawang mga pagkabagot, mga pagkabugnot, at mga bangungot ang lagi mong kaulayaw.
   Lahat tayo ay may kanya-kanyang mahapding mga karanasan sa buhay, na kung saan lagi tayong inaaliw ng ating mga nakaraan at mga pagkatakot na magkamali at mabigong muli. Lalo na kung laging tinatakot sa relihiyong pinapaniwalaan at hindi makaahon sa kahirapan. Naturingang kristiyano bakit hindi umasenso? Dahil umaasa na may pagpapalang darating kung matiisin, at nakakalimot sa mga tamang gawain. Walang problema ang maniwala kung nakapagbibigay ito ng biyaya. Kung lubog sa utang, walang pagkakitaan, at manhid na sa kahirapan; sino ang may kasalanan? Ang paniniwala o ang naniniwala? AngKaharian ng Langit ay nasa paggawa; dahil nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa. Ang maling paniniwala ay gutom ang napapala. Alam natin na kailangang magbago, ngunit hindi natin makayang gawin ito. Magagawa ba nating maitama ito? Napakasimple lamang, at narito ang kasagutan:
   Palitan ang “grado” sa isinusuot mong salamin sa tuwing hahatol ka. Dahil ito ang sinusunod ng iyong mga saloobin (attiudes) at resulta ng iyong mga desisyon. Hanggat suot ang "salamin" na ito, ay katulad mo ang tao na palaging may hawak na martilyo, at lahat ng makita ay "pako" para ipako. Gawing malinaw at nasa reyalidad ang lahat. Alisin ang "grado" ng paningin. Huwag mag-akala o maghaka-haka, walang personalan, at walang hatulan para mapahusay ang pagsasama. Iwasan ang nakaraan, lipas na ito at hindi na maibabalik pa. Kung magagawa mong huwag pukawin at pagbalingan ang nakalipas na kabiguan, at sa halip ay pakawalan ang iyong potensiyal, magagawa mong magtagumpay at matupad ang iyong mga pangarap. 
Kailanman huwag pabayaang ibilanggo ka ng mga maling paniniwala na hindi nakakatulong at nagpapaunlad sa iyo.

Biyernes, Hulyo 3, 2015

ang pag ibig ay parang sugal

“Ang pagmamahal ay isang sugal, manalo man o matalo, bumalik man o tuluyang mawala ang itinaya mo wala ka dapat pagsisihan. Hindi ka dapat maghangad na bumalik sa’yo lahat ng pagmamahal na naitaya mo. Oo nga nakakapanghinayang matalo pero kung talagang swerte ka, kusa kang mananalo. Yun daw ang tinatawag na UNCONDITIONAL LOVE. Tipong may dialogue na: “You don’t have to love me back… I’ll be okay…”

alamin mo kung anu ang salamin ng buhay

Sabi nga nila darating ang panahon na mababasag din ang salamin na iniingatan mo. Ang salamin kung saan siya lang nakakakilala kung ano ka at sino ka. Ang salamin na na-ko-kopya ang iyong pag-katao. Kuhang-kuha ang bawat kilos, galaw, emosyon, at ekspresyon. Kapag nabasag iyon, dalawa lang ang pwedeng mangyari: ang masugatan ka ng pira-pirasong bubog o tuluyang tanggapin sa sarili na bukod sa isang salamin meron pang iba na pwedeng makakita ng tunay na IKAW. Hindi lang kasi ang salamin ang repleksyon ng iyong pagkatao. Ang mga taong nasa paligid mo ay isa ring malaking salamin. Naniniwala ako na ang paligid ay isang impluwensiya. Ngunit kung ano ka ngayon iyon ay hindi dahil sa idinikta nila. Desisyon mo yan at hindi mo nakopya sa salamin ng iba."

Huwebes, Hulyo 2, 2015

The Power oF Love




Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong patutunguhan at mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihitnatnan.
          PAG-IBIG –- naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao na nilaan ng Diyos at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.
          Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga simpleng bagay na espesyal at kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Bunga ito lahat ng pagmamahalan. Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung titingnan natin ito ng mas malawak at mas malalim sa kung ano mang dapat ipakahulugan nito, tiyak lahat tayo ay mag-aasam na sana isang araw darating ang taong magiging kabiyak ng ating puso.
          Wala sa edad, klase ng buhay o kasarian makikita ang pag-ibig. Hanggat may pagmamahalan na namamagitan sa dalawang tao iba man o parehas ang buhay na meron sila wala na dapat tayong itanong pa. Hindi na ako nagulat sa pag-ibig ngayon. Hindi na bago sa akin ang pagmamahalan ng isang matanda at bata, isang mahirap at mayaman o maging dalawang lalaki o babae. Natutuwa pa nga ako dahil sa kabila ng mapanghusgang lipunan nariyan pa rin ang mga taong may kakaibang pagmamahalan. Tinitiis ang bawat masasamang salita na namumutawi sa mga taong makitid ang utak na intindihin ang sitwasyon nila.
          Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ang TADHANA. Wala ng tatalo sa pagtagpo ng dalawang puso dulot nito. Napakasarap isipin na may mga taong nagiging masaya at maligaya sa kapangyarihang ito. Naghintay ka o naghanap ngunit may isang bagay na makakagawa nito sa isang iglap lang. Nakakatawa man ngunit ito ang katotohanan.
Kung minsan, hindi lang kasiyahan ang dulot ng pag-ibig. Pumapasok ang iba’t ibang suliranin at problema. Ang kasawian at kalungkutan bunga nito. Minsan, negatibong tinuturing ang pagkakaroon ng pag-ibig sa mga taong takot na magmahal at ang masama pa’y sa mga taong takot na masaktan. May iba ngang naniniwala na kailangan nating sumugal sa pagmamahal. Tipong manalo man o matalo, bumalik man o tuluyang mawala yung itinaya natin wala dapat tayong pagsisihan. Yun daw ang tinatawag na UNCONDITIONAL LOVE.
          Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. May mga panahong magsasakripisyo tayo para makamit ang kaligayahan o kung sinusuwerte ka madali mong mararamdaman ang magmahal at mahalin. Ngunit kung ano man ang magiging sitwasyon mo at magiging bunga nito; masama man o hindi ito ay dulot ng iyong malayang kaisipan at higit sa lahat ng iyong PUSO.

Miyerkules, Hulyo 1, 2015

dapat magaling ka magpayo


Sa ating buhay hindi talaga maiiwasan na mahaharap tayo sa mga suliranin at mga 


problema na sa tingin natin ay wala nang lunas o solusyon.Kapag ikaw ay 

problemado, natural na makakaranas ka ng anxiety o pressure na kadalasan nagiging 

rason kung bakit hindi agad makakaisip ng naaayon na solusyon.Importante ang 

magaling na pagpapayo kapag meron kang kaibigan na nangangailangan ng isang 

tao na didinig sa kanyang mga problema at kung maaari, papayuhan 

s'ya.Importante din na ikaw mismo alam ang binibitawan na payo sa problemadong 

katropa dahil kapag nagkamali nagmumukhang ignorante.Masarap sa pakiramdam 

ang may nakikinig sayo habang nasa daan ka ng paghihirap kaya dapat present ka sa mga ganitong pagkakataon.

Importante din na dapat alam mo ang mga bagay na ipinapayo mo sa isang 

kaibigan.Sa totoo lang mga ka blogger mahirap magpayo kung ikaw mismo hindi pa 

nararanasan ito. At kung naranasan mo man ito, parang nagi-guilty ka dahil sa tingin 

mo mali ang ipapayo mo at takot kang ito ang magiging dahilan para magkamali ang 

kaibigan mo. Ang importante sa pagpapayo ay ang pag-iisip na ikaw mismo ang nasa lugar niya.

Babae dapat ka muna mag pakipot

Kung babae ka at nasa edad ka na ng pagdadalaga, siguradong maraming boys na lalapit sa iyo.Magpapa-pansin, magfi-flirt, magpapa-impress, kapag meron kang buhat na mabigat na bagay sila ang bubuhat, ililibre ka ng puto sa kanto, bibigyan ka parati ng 1/4 kapag may quiz, ETC.Priority ang babae sa lahat ng pagkakataon.Ito ang pinakamagandang parte ng pagiging dalaga ng isang babae, ang madaming manliligaw.At kapag dumating na ang araw na 'yun dapat alam mo ang iyong gagawin.Dapat kargado ka ng kaalaman ng ma-enjoy mo ang pagkababae mo dahil bihira lang ito dumaan sa buhay.Kung maraming gusto umangkin ng puso mo o manligaw, dapat magpakipot.Dahil ang pagpapakipot ay nagiging sukatan kung seryoso ba ang lalake sa iyo.Sa oras din na nagpapakipot ka, nabibigyan mo ang sarili mo ng oras para kilatising mabuti ang manliligaw.Dapat pa-hard to get parati ang tema.Dapat hindi agad-agad sasagot ng "oo" kapag tinanong na pwede ka bang maging syota.Dapat kawawain muna ang lalake bago sagutin.