Miyerkules, Hulyo 1, 2015
dapat magaling ka magpayo
Sa ating buhay hindi talaga maiiwasan na mahaharap tayo sa mga suliranin at mga
problema na sa tingin natin ay wala nang lunas o solusyon.Kapag ikaw ay
problemado, natural na makakaranas ka ng anxiety o pressure na kadalasan nagiging
rason kung bakit hindi agad makakaisip ng naaayon na solusyon.Importante ang
magaling na pagpapayo kapag meron kang kaibigan na nangangailangan ng isang
tao na didinig sa kanyang mga problema at kung maaari, papayuhan
s'ya.Importante din na ikaw mismo alam ang binibitawan na payo sa problemadong
katropa dahil kapag nagkamali nagmumukhang ignorante.Masarap sa pakiramdam
ang may nakikinig sayo habang nasa daan ka ng paghihirap kaya dapat present ka sa mga ganitong pagkakataon.
Importante din na dapat alam mo ang mga bagay na ipinapayo mo sa isang
kaibigan.Sa totoo lang mga ka blogger mahirap magpayo kung ikaw mismo hindi pa
nararanasan ito. At kung naranasan mo man ito, parang nagi-guilty ka dahil sa tingin
mo mali ang ipapayo mo at takot kang ito ang magiging dahilan para magkamali ang
kaibigan mo. Ang importante sa pagpapayo ay ang pag-iisip na ikaw mismo ang nasa lugar niya.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento