Miyerkules, Hulyo 1, 2015

Ang buhay kung minsan ay napaka unfair

Totoo nga ang kasabihan  na napaka-unfair ng buhay ng tao. Nagiging unfair dahil minsan pumapasok 

sa ating mga utak kung bakit magkakaiba ang estado ng buhay ng iba kaysa sa atin. Ang iba may kakayahan 

na bumili ng mga bagay na ninanais nila habang ang iba ay hindi. Kung tutuusin mga babs ang maituturing parin 

natin ang ating mga sarili na 'swerte' kaysa sa iba. Tumigil muna kayo saglit sa ginagawa ninyo at humanap ng 

upuan(kung walang upuan na makita, umupo na lang sa sahig. Wag maarte). Isipin ninyo lahat ng mga bagay na 

maituturing ninyong 'swerte' sa buhay ninyo. Mga bagay na meron kayo na wala ang iba. Dapat matutunan 

ninyong i-appreciate ang mga bagay na meron kayo dahil kinalaunan 'yan ang magbibigay sa inyo ng motivation na tumulong sa iba. Trust me mga babs...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento