Linggo, Agosto 16, 2015

MAGKANO KA?

Sa iyong palagaymagkano ang isang oras mo sa trabaho? Kung may sapat kang kaalaman tungkol dito, narito ang iyong kahalagahan kung bakit ito ang sahod mo. Sapagkat kapag panatag ka na at patuloy na tinatanggap mo ito, makikilatis dito kung gaano ang pagpapahalaga na iniuukol mo sa iyong sarili.
   Kadalasan, ang halaga (value) na inilaan natin sa ating mga sarili ay repleksiyon ng mga bagay na ating ginagawa. Dito matutunghayan na kahit sino ay may presyo o batayan ng kalagayan sa buhay. Sa paghatol, makikilala ang isang tao sa kanyang pagdadala sa sarili; pananalita, panlasa, mga kasuotan, mga kagamitan, mga ari-arian, at mga libangan. Sa ating di-pantay na lipunan; maging publiko at pribado, salapi ang nangingibabaw. Ang pakay ng mga namumuno ay makasarili, kaya katiwalian at hindi kapakanan ng nakakarami ang sinusunod. Higit na matimbang ang mayaman kaysa mahirap. May kinikilingan na siyang nasusunod at may nasisisi na siyang pinaparusahan. Lantarang may mang-aapi at inaapi.
   Tanggap na ng marami sa atin, pera ang panghalina upang maibenta pati ang kaluluwa. Tuwing may halalan nagkalat ang mga bugaw at mga sugapa sa bilihan ng mga boto, upang manalo ang magnanakaw na pulitiko. Kahit na alam ng mga botante na pagnanakaw ang intensiyon nito ay ihahalal pa rin, para lamang magkapera at may makain. Ayon sa kanila, manalo o matalo ang pulitiko, ang kanilang buhay ay di-mababago. Huwag nating patuloy na tularan si Hudas Iskariyote na may pakana at nagkanulo kay HesuKristo, na ang katumbas na halaga lamang ay tatlumpong pirasong pilak (Mateo 27:3-5). Sapat bang halaga ito, upang si Hudas ay magsisi at magbigti sa halagang 30 pirasong pilak?
   Ang halaga na inilaan natin sa ating mga sarili ay patuloy na ibabalik sa atin sa mga araw na darating. Dahil kapag may itinanim, may aanihin. Nagbenta ng boto, tiisin ang bunga nito, kapag kurakot at panay katiwalian ang inihalal sa puwesto. Kung may halaga o mahalaga ang ating pagkatao, kailanman ay wala itong presyo at hindi matatawaran o matumbasan ng kahit sino. Kapag tama ang kapasiyahan at hindi bayaran, ito ay nasa tamang direksiyon at kaunlaran. Mapipili natin ang mga tunay na pinuno na may kusang pagmamalasakit sa kapakanan ng bayan.
Kapag alam mo ang iyong halaga, sinuman ay hindi magagawang tratuhin ka na walang saysay.

Sabado, Agosto 15, 2015

tingnan mo sayong salamin kung malinaw o malabo ang iyong paningin...




Lumabas ka sa iyong lungga at tahasang harapin ang nagpapahirap at mapangwasak na mga maling paniniwala na sinusunod mo para sa iyong sarili. Pawalan at yakaping mahigpit ang iyong malikhaing kakayahan. Kapag pinabayaan mo ito, kailanman hindi ka na matatahimik. Dahil kung walang pagbabago sa iyong kalagayan, pawang mga pagkabagot, mga pagkabugnot, at mga bangungot ang lagi mong kaulayaw.
   Lahat tayo ay may kanya-kanyang mahapding mga karanasan sa buhay, na kung saan lagi tayong inaaliw ng ating mga nakaraan at mga pagkatakot na magkamali at mabigong muli. Lalo na kung laging tinatakot sa relihiyong pinapaniwalaan at hindi makaahon sa kahirapan. Naturingang kristiyano bakit hindi umasenso? Dahil umaasa na may pagpapalang darating kung matiisin, at nakakalimot sa mga tamang gawain. Walang problema ang maniwala kung nakapagbibigay ito ng biyaya. Kung lubog sa utang, walang pagkakitaan, at manhid na sa kahirapan; sino ang may kasalanan? Ang paniniwala o ang naniniwala? AngKaharian ng Langit ay nasa paggawa; dahil nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa. Ang maling paniniwala ay gutom ang napapala. Alam natin na kailangang magbago, ngunit hindi natin makayang gawin ito. Magagawa ba nating maitama ito? Napakasimple lamang, at narito ang kasagutan:
   Palitan ang “grado” sa isinusuot mong salamin sa tuwing hahatol ka. Dahil ito ang sinusunod ng iyong mga saloobin (attiudes) at resulta ng iyong mga desisyon. Hanggat suot ang "salamin" na ito, ay katulad mo ang tao na palaging may hawak na martilyo, at lahat ng makita ay "pako" para ipako. Gawing malinaw at nasa reyalidad ang lahat. Alisin ang "grado" ng paningin. Huwag mag-akala o maghaka-haka, walang personalan, at walang hatulan para mapahusay ang pagsasama. Iwasan ang nakaraan, lipas na ito at hindi na maibabalik pa. Kung magagawa mong huwag pukawin at pagbalingan ang nakalipas na kabiguan, at sa halip ay pakawalan ang iyong potensiyal, magagawa mong magtagumpay at matupad ang iyong mga pangarap. 
Kailanman huwag pabayaang ibilanggo ka ng mga maling paniniwala na hindi nakakatulong at nagpapaunlad sa iyo.

Biyernes, Hulyo 3, 2015

ang pag ibig ay parang sugal

“Ang pagmamahal ay isang sugal, manalo man o matalo, bumalik man o tuluyang mawala ang itinaya mo wala ka dapat pagsisihan. Hindi ka dapat maghangad na bumalik sa’yo lahat ng pagmamahal na naitaya mo. Oo nga nakakapanghinayang matalo pero kung talagang swerte ka, kusa kang mananalo. Yun daw ang tinatawag na UNCONDITIONAL LOVE. Tipong may dialogue na: “You don’t have to love me back… I’ll be okay…”

alamin mo kung anu ang salamin ng buhay

Sabi nga nila darating ang panahon na mababasag din ang salamin na iniingatan mo. Ang salamin kung saan siya lang nakakakilala kung ano ka at sino ka. Ang salamin na na-ko-kopya ang iyong pag-katao. Kuhang-kuha ang bawat kilos, galaw, emosyon, at ekspresyon. Kapag nabasag iyon, dalawa lang ang pwedeng mangyari: ang masugatan ka ng pira-pirasong bubog o tuluyang tanggapin sa sarili na bukod sa isang salamin meron pang iba na pwedeng makakita ng tunay na IKAW. Hindi lang kasi ang salamin ang repleksyon ng iyong pagkatao. Ang mga taong nasa paligid mo ay isa ring malaking salamin. Naniniwala ako na ang paligid ay isang impluwensiya. Ngunit kung ano ka ngayon iyon ay hindi dahil sa idinikta nila. Desisyon mo yan at hindi mo nakopya sa salamin ng iba."

Huwebes, Hulyo 2, 2015

The Power oF Love




Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong patutunguhan at mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihitnatnan.
          PAG-IBIG –- naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao na nilaan ng Diyos at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.
          Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga simpleng bagay na espesyal at kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Bunga ito lahat ng pagmamahalan. Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung titingnan natin ito ng mas malawak at mas malalim sa kung ano mang dapat ipakahulugan nito, tiyak lahat tayo ay mag-aasam na sana isang araw darating ang taong magiging kabiyak ng ating puso.
          Wala sa edad, klase ng buhay o kasarian makikita ang pag-ibig. Hanggat may pagmamahalan na namamagitan sa dalawang tao iba man o parehas ang buhay na meron sila wala na dapat tayong itanong pa. Hindi na ako nagulat sa pag-ibig ngayon. Hindi na bago sa akin ang pagmamahalan ng isang matanda at bata, isang mahirap at mayaman o maging dalawang lalaki o babae. Natutuwa pa nga ako dahil sa kabila ng mapanghusgang lipunan nariyan pa rin ang mga taong may kakaibang pagmamahalan. Tinitiis ang bawat masasamang salita na namumutawi sa mga taong makitid ang utak na intindihin ang sitwasyon nila.
          Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ang TADHANA. Wala ng tatalo sa pagtagpo ng dalawang puso dulot nito. Napakasarap isipin na may mga taong nagiging masaya at maligaya sa kapangyarihang ito. Naghintay ka o naghanap ngunit may isang bagay na makakagawa nito sa isang iglap lang. Nakakatawa man ngunit ito ang katotohanan.
Kung minsan, hindi lang kasiyahan ang dulot ng pag-ibig. Pumapasok ang iba’t ibang suliranin at problema. Ang kasawian at kalungkutan bunga nito. Minsan, negatibong tinuturing ang pagkakaroon ng pag-ibig sa mga taong takot na magmahal at ang masama pa’y sa mga taong takot na masaktan. May iba ngang naniniwala na kailangan nating sumugal sa pagmamahal. Tipong manalo man o matalo, bumalik man o tuluyang mawala yung itinaya natin wala dapat tayong pagsisihan. Yun daw ang tinatawag na UNCONDITIONAL LOVE.
          Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. May mga panahong magsasakripisyo tayo para makamit ang kaligayahan o kung sinusuwerte ka madali mong mararamdaman ang magmahal at mahalin. Ngunit kung ano man ang magiging sitwasyon mo at magiging bunga nito; masama man o hindi ito ay dulot ng iyong malayang kaisipan at higit sa lahat ng iyong PUSO.

Miyerkules, Hulyo 1, 2015

dapat magaling ka magpayo


Sa ating buhay hindi talaga maiiwasan na mahaharap tayo sa mga suliranin at mga 


problema na sa tingin natin ay wala nang lunas o solusyon.Kapag ikaw ay 

problemado, natural na makakaranas ka ng anxiety o pressure na kadalasan nagiging 

rason kung bakit hindi agad makakaisip ng naaayon na solusyon.Importante ang 

magaling na pagpapayo kapag meron kang kaibigan na nangangailangan ng isang 

tao na didinig sa kanyang mga problema at kung maaari, papayuhan 

s'ya.Importante din na ikaw mismo alam ang binibitawan na payo sa problemadong 

katropa dahil kapag nagkamali nagmumukhang ignorante.Masarap sa pakiramdam 

ang may nakikinig sayo habang nasa daan ka ng paghihirap kaya dapat present ka sa mga ganitong pagkakataon.

Importante din na dapat alam mo ang mga bagay na ipinapayo mo sa isang 

kaibigan.Sa totoo lang mga ka blogger mahirap magpayo kung ikaw mismo hindi pa 

nararanasan ito. At kung naranasan mo man ito, parang nagi-guilty ka dahil sa tingin 

mo mali ang ipapayo mo at takot kang ito ang magiging dahilan para magkamali ang 

kaibigan mo. Ang importante sa pagpapayo ay ang pag-iisip na ikaw mismo ang nasa lugar niya.

Babae dapat ka muna mag pakipot

Kung babae ka at nasa edad ka na ng pagdadalaga, siguradong maraming boys na lalapit sa iyo.Magpapa-pansin, magfi-flirt, magpapa-impress, kapag meron kang buhat na mabigat na bagay sila ang bubuhat, ililibre ka ng puto sa kanto, bibigyan ka parati ng 1/4 kapag may quiz, ETC.Priority ang babae sa lahat ng pagkakataon.Ito ang pinakamagandang parte ng pagiging dalaga ng isang babae, ang madaming manliligaw.At kapag dumating na ang araw na 'yun dapat alam mo ang iyong gagawin.Dapat kargado ka ng kaalaman ng ma-enjoy mo ang pagkababae mo dahil bihira lang ito dumaan sa buhay.Kung maraming gusto umangkin ng puso mo o manligaw, dapat magpakipot.Dahil ang pagpapakipot ay nagiging sukatan kung seryoso ba ang lalake sa iyo.Sa oras din na nagpapakipot ka, nabibigyan mo ang sarili mo ng oras para kilatising mabuti ang manliligaw.Dapat pa-hard to get parati ang tema.Dapat hindi agad-agad sasagot ng "oo" kapag tinanong na pwede ka bang maging syota.Dapat kawawain muna ang lalake bago sagutin.

Ang buhay kung minsan ay napaka unfair

Totoo nga ang kasabihan  na napaka-unfair ng buhay ng tao. Nagiging unfair dahil minsan pumapasok 

sa ating mga utak kung bakit magkakaiba ang estado ng buhay ng iba kaysa sa atin. Ang iba may kakayahan 

na bumili ng mga bagay na ninanais nila habang ang iba ay hindi. Kung tutuusin mga babs ang maituturing parin 

natin ang ating mga sarili na 'swerte' kaysa sa iba. Tumigil muna kayo saglit sa ginagawa ninyo at humanap ng 

upuan(kung walang upuan na makita, umupo na lang sa sahig. Wag maarte). Isipin ninyo lahat ng mga bagay na 

maituturing ninyong 'swerte' sa buhay ninyo. Mga bagay na meron kayo na wala ang iba. Dapat matutunan 

ninyong i-appreciate ang mga bagay na meron kayo dahil kinalaunan 'yan ang magbibigay sa inyo ng motivation na tumulong sa iba. Trust me mga babs...

Sabado, Hunyo 27, 2015

Simpleng TAO Lang Naman Ako, At Ako iTo...

Simpleng TAO Lang Naman Ako, At Ako iTo...


my name is ricky, paparick 4 short kung tawagin ako ng aking mga mahal na kaibigan

Simpleng tao lang naman ako.... ako yung tipong taong puweding mag mahal at puweding mahalin

syempre! marunong masaktan at minsan naman nakaka panakit ng damdamin ng iba ganun naman

talaga yon dahil ang buhay ay hindi kailanman magiging perpekto sa pagkat tao lang din ako jejeje

masasabi kung nakakatawa ang buhay ko maging ako hindi ko mahuli kung anu talaga ang gusto ko

iwan ko ba? minsan gusto kung mag mahal minsan naman ayaw ko! pero nararamdaman kung mas

nangingibabaw sa akin ang pangamba  at takot.

hayyyy sa tuwing naalala ko ang mga pinag daan ko bout sa pag ibig napapa-buntong hininga ako

parang kasing naiinis ako na natatawa hahaha! pag ibig nga naman kung saan saan ang shortcut

pero minsan naiisip ko din paano kung kahit ayaw ko mag mahal biglang may dumating tapos wala

akong kamalay malay tumitibok na pla ang puso ko sa kanya hahahahaha tatawa nalang ako kasi

maging ako hindi ako makapaniwala, dahil alam ko sa sarili ko na sadyang hindi pa talaga ngayon

to be continue...

Biyernes, Hunyo 5, 2015

He labs me .. he labs me not.

He labs me .. he labs me not.

I love you … gaano ba ito ka importante? bakit pag may taong nagsabi sa atin nito nakakapag pagaan ng pakiramdam. I lab yu , mahal kita.. pero diba dapat pag binigkas mo ang words na yan dapat kaya mong panindigan? Masyado na kasing gamit ang salitang ito.. pero kahit gamit na gamit na sya.. bakit ang sarap pa din pakinggan sa tengga.. pero kasunod ng mala musika sa pandinig mo ang pag aalinlangan.. totoo kaya ito? kasi sobrang gamit na gamit na sya talaga..

Wala naman sanang problema kung si nanay , si tatay ang nag sasabi nito araw araw.. paniguradong nakakapag- pakumpleto ng araw yun.. knowing na they really care for you.. ako din naman mahilig ako mag sabi ng iloveyou.. sa nanay ko , sa kapatid ko.. pero bakit pag opposite sex ang magsasabi nun sayo.. syempre mapapaisip ka.. totoo kaya ito? Lalo na pag kakikilala nyo palang magsasabi agad sayo ng iloveyou… masarap sana syang pakinggan pero diba? hello nag aa i lab yu ka dyan!

diko kayang tanggapin

Di ko kayang tanggapin
Na mawawala ka na sa akin
Napakasakit na marinig
Na ayaw mo na sa akin
Hapdi at kirot
Ang dulot sa ‘king damdamin
Di ko kayang mabuhay sa mundo
Kung mawawala ka sa piling ko
I.
Kahapon lamang ay kaysarap
Ng ating pagmamahalan
Ang sabi mo pa, pag-ibig mo’y walang hanggan
Kahapon lamang tayo ay nagsusumpaan
II.
Ang sabi mo pa, ako’y di mo iiwan
Ngunit bakit ngayo’y nagtatapat
Na mayroong ibang mahal
At sinabi mo pa na mas mahal mo siya
Kaysa sa akin
Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo
Nais kong magmakaawa sa ‘yo
Suyuin ka, pilitin ka
Na ako’y muling mahalin…


toinks! toinks!
Medyo may kakornihan ang lyrics.. pero kung nanamnamin mo ang bawat salita.. masakit nga , lalo sa mga taong nakakaranas o nakaranas ng kabiguan sa pag ibig mahirap talaga tanggapin. Sasabihin ko nanaman ulit ito na walang sinoman ang pwedeng humusga sa nararamdaman mo kasi hindi sila ang nakakaranas ng sakit na yun. Sila na ang lumugar sa katayuan mo.. yung feeling na ang sakit sakit… kahit saan ka bumaling laging parang may kumukurot sa puso mo. Huwag mong sabihing umaarte lang dahil kung may choice sila , hindi nya pipiliin maramdaman yun impyernong pakiramdam na paulit-ulit nalang nagsusumiksik sa sistema nila. Iyong iba mag sasabi ang O A naman nyan!!! Try to put yourself in her/his shoes.. baka sakali lang maramdaman mo at maunawaan ang pinag daraanan nya.

Hindi madali, dahil kung madali lang kalimutan ang lahat at lunukin ang katotohanan di sana hindi ka na maya maya naglalabas ng likido sa mata tuwing tatamaan ka ng kirot na iyon. Naiintindihan ko rin yun pakiramdam na gusto mo nang maglaho sa mundo kapag ganon yung shet na pakiramdam na iyun… pero hindi dapat ganon.. dapat labanan mo ang emosyon mo.

Lahat daw ng bagay sa mundo pwedeng maglaho, lahat may katapusan, lahat hindi pwedeng magtagal , walang forever. Syempre nasasayangan ka kung ikaw yun tipo ng tao na mapagpahalaga, lahat ng bagay na ipinaramdam sayo eh pinasasalamatan mo at pinahahalagahan at in return gusto mo ibalik yun favor na iyon sa kanya o mas higit pa dahil …. sinasabi ng puso mo na..
Ikaw ang dahilan kung bakit pagkatapos ko masaktan noon eto ka nagpapangiti saken..

Ikaw ang dahilan bakit nagtitiwala ako ulit pagkatapos ng kabiguan ko…
Ikaw ang dahilan bakit iyong puso ko na dati basag na basag ikaw ang bumubuo unti unti..
Ikaw ang dahilan sa bawat kinang ng mata at tamis ng ngiti sa aking labi..
Ikaw ang dahilan sa bawat kanta ko..
Ikaw ang dahilan sa bawat pag bangon ko..
IKAW ANG DAHILAN KO 

Huwebes, Hunyo 4, 2015

Hopeless Romantic : Forever pa more

Hopeless Romantic : Forever pa more

Hopeless Romantic by any chance? Naniniwala sa Forever? Yung positive ka pa rin na may magandang mangyari even though wala na talagang pag-asa? If yes, welcome to the club.

Sa panahon ngayon madalang ka ng makahanap ng tao na hopeless romantic. That person who will write a love letter to express their feelings. Yung taong pag mag effort parang pang fairy tale ang dating. Alam ko, alam mo, alam natin lahat may forever. May mga tao lang talaga na sobrang nasaktan na minsan nakakalimutan na yung meaning ng happily ever after.

            Paano ba malalaman kung hopeless romantic ka?

If you like someone you’ll most likely express it in a romantic way. You will ask her out on a date sa mga lugar na sa tingin mo tatapatan yung mga candle lights. You would like to know more about her, her likes and dislikes para alam mo kung saan ka papasok. Ikaw yung taong maappreciate yung maliit na efforts na ginagawa niya pero sa iba parang wala naman. You like surprising her with things like flowers, chocolates or things that you think would be romantic. Your the type of person na pagnagmahal, wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao basta ba’t masaya siya at ikaw ang dahilan, masaya ka na. Your the type of person who believes in adventure and romance.

            Paano ba mainlove ang hopeless romantic?

Alam mo ba na most hopeless romantic people are single? Kaya kung single ka okay lang yan. Hopeless romantic people believes in forever that is the reason why they tend to make sure that everything will be perfect for their partner. They do believe that things will only happen once in a lifetime so it must be grand and the memory will be worth keeping.


They are strong when it comes to heartbreaks because even if hurts so much they will just smile and still believe that forever exists. Sila yung tipong ang 100% effort para sa iba sa kanila kulang pa. Kung pwede nga lang sungkitin ang mga bituin, matagal na sigurong naubos. They will always smile ano man mangyari, sila yung taong iiyakan ang bawat commitments. When they say “i love you” they mean it.

           Kung nai-in love sila, for sure nasasaktan din sila.


Madalas kasi dahil sanay tayong naka ngiti people will think that we’re okay, but we’re not. When we are hurt we want to be alone or most of the time share it with someone who would listen and understand. We choose the people we trust with our feelings since for us they’re very fragile. We want to avoid things that would lead us feeling nostalgic for those wonderful days. But look at the bright side, it hurts inside but still we can smile.

I remember one of those moments when my ex-girlfriend asked me : “Okay ka lang? Alam ko nakangiti ka pero I know nasasaktan ka! Sorry”. I just smiled and told her, ” Its okay, sabi ko naman sayo as long as you’re happy with me I’ll stay by your side. But if your happy with someone else, I’ll let you go.” Ganyan ka-drama, pero okay lang masaya naman di ba, hindi lang talaga kami naka tadhana para sa isa’t isa.
Do you believe in Forever or Tadhana.
Alam ko oo. Sabi nga ni dear dictionary Forever means limitless amount of time. At alam natin na ang meaning ng forever sayo is limitless amount of love. Naniniwala ka sa tadhana, kahit alam mo na ilang beses ka ng nabigo ng tadhana. Tiwala lang sabi nga, habang may buhay may pag-asa. Successful relationship or not, never lose hope that you will meet the right person, at the right place at the right time.
Hindi mo naman masisi kung maraming magsasabi na “walang forever”. Sa panahon ba naman ngayon, swerte mo nalang kung magtatagal kayo ng 3 months. Most people will just say “I love you” without even knowing the real meaning of it. Kaya be happy, dahil alam mo kung kailan kailangan bitawan ang mabigat na salitang ito. Always believe that romance still happens to this world. It may not happen to you now but it will soon. You are the one who creates your own love story and destiny so at the end of the day it will be your choice if you want to create a love story which will last forever with a happily ever after.